-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Itinuturing na blessing ni First Filipino world chess champion Sander Severino ang mga hirap na naranasan niya sa buhay dahil ito umano ang nag-udyok sa kanya na lumaban pa sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Severino, sa mga naabot niya ngayon ay meron siyang na realize hindi lang para sa sarili.

“Masaya yong feeling na ikaw yong chini-cheer tiyaka ikaw ang bida sa family and friends. Pero noong habang tumatagal na realize ko na maganda pala yong makapag bigay ka rin inspirasyon sa lahat ng tao, especially doon sa mga athletang may kapansanan,” pahayag ni Severino.

Si Severino ay kasalukuyang dumaranas ng muscle dystrophy na nagdudulot ng panghihina ng katawan at unti-unting pagkawala ng muscle mass.

Payo naman ni Severino sa mga gustong matuto ng chess pero nahihirapan, tiyaga lang umano dahil tulad niya noon ay hindi niya akalain na ikakatawan nito ang Pilipinas hanggang sa nabigyan ng oportunidad.