-- Advertisements --

Pumanaw na ang chess grandmaster ng Bangladesh.

Ang 50-anyos na si Ziaur Rahman ay nasa kalagitnaan ng national championship ng ito ay na-stroke at nawalan ng malay.

Ayon sa Bangladesh Chess Federation general secretary Shahab Uddin Shamim na nasa pang-12 round na ito ng laban sa kapwa grandmaster na si Enamul Hossain ng maganap ang insidente.

Dinala pa ito sa pagamutan subalit ito ay idineklarang dead on arrival.

Maraming mga kasamahan nito ang nabigla dahil sa masigla pa ito bago ang torneo.

Maraming mga award na itong nakamit at naging representatives ng Bangladesh sa 44th Chess Olympiad sa India noong 2022.