-- Advertisements --

Nagpasya si five-time chess world champion Magnus Carlsen na hindi lumahok sa classical World Chess Championship.

Sinabi ng Norweigan chess star na kulang siya sa motibasyon kaya minabuting hindi na sumali.

Mula noon kasing nagkaroon hindi pagkakaunawaan nila ng International Chess Federation (FIDE) na siyang nag-oorganisa ng classical championship ay nagpasya ito na hindi na babalik pa sa torneo.

Si Carlsen ay nagkampeon sa nasabing torneo noong 2021.

Noong nakaraang taon kasi sa World Rapid Chess Championship, ay pinarusahan siya ng FIDE dahil sa paglabag sa dress-code matapos na nakasuot lamang ito ng maong na pantalon.

Sa taon din iyon ay nagwagi siya sa Chess.com Speed Chess Championship at kasama rin niyang nagkampeon sa World Blitz Championship si Ian Nepomniachtchi.