Kinansela na ng mga organizers ang Bank of America Chicago Marathon bilang pag-iingat sa coronavirus pandemic.
Paliwanag ng mga marathon organizers maging ng mga city officials, malaking hamon daw kasi ang pagsasagawa sa naturang event sa Oktubre 11 sa gitna ng nagpapatuloy na health crisis.
Sa pinakahuling datos, pumalo na sa 55,184 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chicago, kung saan 2,682 ang binawian ng buhay.
Karaniwan kasing lumalahok sa karera ang nasa 45,000 runner at wheelchair athletes, at umaabot din sa mahigit 1-milyon ang mga manonood.
“The Chicago Marathon is our city’s beloved annual celebration of more than 45,000 runners, as well as tens of thousands of volunteers, spectators and city residents, all of whom come together race weekend as one community here in our city,” pahayag ni Chicago Mayor Lori Lightfoot.
“Like all Chicagoans, I’m personally disappointed that this year’s event won’t take place as originally planned, however, we look forward to welcoming all runners and their cheering squads once again when the Chicago Marathon returns to our city in full force for another very exciting race,” dagdag nito.
Samantala, maging ang New York City Marathon na nakatakda sa Nobyembre ay kinansela na rin.
Habang ang Boston Marathon, na orihinal na naka-schedule sa Abril 20, ay iniurong sa Setyembre 14 bago tuluyang kanselahin.