-- Advertisements --

Napili ing ruling party sa Japan si chief cabinet secretary Yoshihide Suga bilang bagong leader.

Malaki ang posibilidad nito na siya ang papalit sa nagbitiw na si Prime Minister Shinzo Abe.

Nakakuha ito ng kabuuang boto na 377 sa 534 na mga valid votes mula sa Liberal Democratic Party lawmakers at regional representatives.

Nahigitan nito sina dating defence minister Shigeru Ishiba na mayroong nakuhang 68 na boto at LDP policy chief Fumio Kishida na mayroong 89 na boto na nakuha.

Inaasahan na maipapanalo rin ni Suga sa gagawing botohan sa parliyamento sa Miyerkules.

Magugunitang nagbitiw si Abe sa kaniyang puwesto dahil sa mayroon ng dinaramdam ito.

Si Suga na anak ng isang strawberry farmer na lumaki sa Akita region.

Ang 71-anyos na si Suga ay naging government adviser at spokesman ni Abe.