-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang chief executive ng Rugby Australia na si Raelene Castle.

Ito ay matapos na nagsagawa ng petisyon ang mga members of the board na nananawagan ng pagbabago.

Sinabi nito na maraming mga miyembro nila ang umaayaw na sa kaniyang panunungkulan.

Nagkaroon kasi ng financial crisis sa Australian rugby union na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Ilan sa mga pumirma sa pagbaba nito sa puwesto ay sina dating 1991 World Cup-winning team captain Nick Farr-Jones at George Gregan.

Magugunitang binawasan nito ng 50% ang kaniyang sahod at tinanggal ang nasa 75% na Rugby Australia staff bilang pagtitipid sa nararanasang coronavirus pandemic.