-- Advertisements --
Tinanggap na ni Chief Justice Alexander Gesmundo na pangasiwaan ang panunumpa ni President-elect Ferdinand Marcos Jr sa National Museum sa Hunyo 30.
Kinumpirma ito ni Supreme Court spokesman Atty. Brian Hosaka.
Nauna ng inihayag ng kampo ni Marcos na magiging solemn, simple at tradisyunal ang nakatakdang oath taking ni President-elect Bongbong Marcos dalawang araw na lamang mula ngayon.
Ayon din sa kampo ni Marcos na inaasahang hindi gagamit ng teleprompter ang incoming president sa kaniyang inaugural speech.
Nasa mahigit 18,000 public safety at security forces ang ipapakalat para tiyakin ang seguridad sa araw ng inagurasyon