-- Advertisements --
Ibinahagi ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang kahalagahan ng justice system sa pagpapaunlad ng bansa.
Sinabi nito na dapat ay magkaroon ng balanse sa karapatan at pagiging malaya ng isang tao ganun din ang interest ng gobyerno para maisulong mabuti ang ekonomiya.
Gumagawa aniya sila ng mga hakbang para makilala ng tao ang Korte Suprema para madali silang maabot.
Umaasa ito na sa mga proyekto ng Korte Suprema ay lalong mapalapit at maintindihan ng mamamayan ang mga tungkuling ginagampanan ng mga abogado.