Pinaiimbestigahan ngayon ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang insidente ng umano’y panunuhol na kinasasangkutan ng isang empleyado ng Pasay City Regional Trial Court.
Ito ay matapos niyang matanggap ang isinumiteng preliminary report mula sa National Bureau of Investigation kaugnay sa pagkakaaresto sa isang tauhan ng Pasay City RTC Branch 108 matapos na tumanggap ng aabot sa Php6-million na suhol kapalit ng isang favorable judgment sa isang civil case.
Ngunit batay sa naging salaysay ng arestadong suspek ay dumipensa naman ito na napag-utusan lamang daw siya ng isang presiding judge na tanggapin ang naturang pera.
Dahil dito ay agad na inatasan ni Chief Justice Gesmundo si Court Administrator Raul Villanueva na magsumite ng report at recommendation hinggil sa insidenteng ito sa darating na Lunes, Mayo 27, 2024.
Samantala sa ngayon ay tumanggi ang Korte Suprema na banggitin ang pangalan ng mga sangkot na indibidwal na sa nasabing isyu.