-- Advertisements --
Nanawagan si Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta sa mga kapulisan na agad na imbestigahan ang pamamaril kay Camarines Sur Regional Trial Court Judge na si Jeaneth Gamilde at staff nito.
Sinabi nito na dapat gumawa ng lahat ng kanilang makakaya ang mga kapulisan para maaresto ang nasa likod nang pananambang.
Aniya, walang puwang sa bansa ang pang-aatake sa mga judges at mga abogado.
Magugunitang nakaligtas ang dalawa matapos na pagbabarilin ang kanilang sasakyan ng hindi kilalang mga suspek dakong alas-2:30 ng hapon nitong nakalipas na Martes.