-- Advertisements --
SC
Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo

Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa grupo ng mga abogado ang puspusang ang ginagawa niyang reporma upang ma-decongest ang sangkaterbang nakabinbin na mga kaso sa mga korte.

Ayon kay Gesmundo, sa ilalim ng liderato niya ay sisiguraduhin daw niya ang pag-maximize sa paggamit ng teknolohiya upang mapabilis ang judicial system at maayos ang court processes.

Ginawa ng chief justice ang pahayag sa kanyang tinawag na “technology-driven judiciary” kaugnay sa kanyang pangunguna sa
hybrid inauguration at oath- taking ceremony ng 2020-2021 Officers, Board of Trustees, and Council of Advisers of the Philippine Bar Association (PBA).

Inihalimbawa naman ni Gesmundo na nagsagawa na sila nang pag-amyenda sa Internal Rules upang makamit ang constitutional mandate para sa dalawang taon na magkaroon ng resolution of cases.

Kaugnay naman sa paggamit ng videoconferencing sa halip na face-to-face hearings dahil sa COVID pandemic, balak ni Gesmundo na bumuo ng eCourt system upang mapabuti pa ang court processes at mapataas ang virtual access sa mga reports.

Target daw ng Supreme Court na mapaloob dito ang buong proseso ng mula sa filing ng mga complaints hanggang sa promulgasyon ng mga kaso at execution ng mga judgments ng mga huwes.

“We are also in the process of amending our Rules of Criminal Procedure in the service of arrest and search warrants. Here, we are contemplating to integrate the use by the police of body worn cameras in the implementation of warrants, with due regards of course, to the rights of persons involved,” ani Chief Justice Gesmundo.