-- Advertisements --

Agad na sinibak sa pwesto ni PNP Chief Police General Debold Sinas ang PNP non-uniformed lawyer na nagpositibo sa isinagawang random drug test sa Central Luzon.


Ayon kay Sinas, walang lugar sa PNP mapa pulis man o non uniformed personnel na masangkot sa iligal na droga.

Kinilala ni Sinas ang NUP na abogado na si Atty. Efren Garcia II, hepe ng Legal Affairs Division ng Regional Internal Affairs Service 3.

Sasailaim sa pre-charge investigation at Summary Dismissal

Proceedings ang nasabing abogado dahil sa Grave Misconduct.

Base sa ulat, nagpositibo ang urine specimen ng abugado sa iligal na droga nitong Feb. 24 na isinailalim naman sa confirmatory drug testing nitong Feb. 26.


Inalis sa pwesto ang abugado para hindi makaimpluwensya sa gumugulong na imbestigasyon.