-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang Chief of Hospital ng Sara District Hospital sa Sara, Iloilo.
Ito ay si Dr. Armando Dumdum.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Cynthia Cabangal Ng, chief ng Hospital Management Office ng Iloilo Provincial Government, sinabi nito na sa ngayon, naka-isolate na si Dr. Dumdum.
Ayon kay Ng, asymptomatic si Dr. Dumdum.
Nagpapatuloy naman ayon kay Ng ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing doktor.