KORONADAL CITY – Dead on the spot ang dalawang pulis kabilang ang hepe ng Ampatuan Municipal Police Station habang tatlo naman ang sugatan sa nangyaring pananambang pasado alas-10:00 ng umaga nitong Martes sa Brgy. kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao
Kinilala ang mga nasawi na sina PLt. Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan MPS at PCpl. Salipuden Endab driver ng patrol car, habang sugatan naman sina PSMS Reynante Quinalayo, PCpl. Rogelio Dela Cuesta Jr., PCpl Clint Marc Dayaday pawang mga miyembro ng Ampatuan MPS.
Sa inisyal na impormasyon na inilabas ng Maguindanap PNP, maghahain sana ng warrant of arrest ang hepe kasama ang kanyang mga tauhan ng tinambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang mga gunman.
Sa ngayon ay itinaas ang alerto sa buong bayan ng Ampatuan, Maguindanao dahil sa naturang pangyayari.
Naglunsad na ng hot pursuit operations nga mga otoridad laban sa mga suspect.