Sinibak sa puwesto ang chief of police ng Kawit, Cavite Municipal Police Station matapos silang matakasan ng tatlong prreso kahapon ng hapon.
Batay sa inilabas na kautusan ni Calabarzon regional police director, Brig. Gen Eliseo Cruz, relieved sa pwesto at agad na inilipat sa regional headquarters si PMajor Joel Celestino Palmares kasama niya ang jailer sa oras na nangyari ang jailbreak na si PSSgt Ryan Pascua De Guzman.
Batay sa report ng Cavite Police Provincial Office, bandang alas 6:30 kagabi nang nag-inspection si Sgt. de Guzman sa Kawit Custodial Facility sa Brgy. Potol nang napansin na nasira ang Padlock ng Kulungan at nawawala na ang tatlong Preso.
Nakilala ang tatlong preso na sina: Tristan Antonio, 19-anyos na may kasong Theft; Jonjon Esquillo Cortesano Portez, 22-anyos na may kasong may kinalaman sa illegal drugs at Rhino Reyes, 27-anyos na may kasong carnapping na agad ding naaresto.
Itinalaga bilang Officer-in-Charge ngayon ang Deputy Chief of Police na si Police Inspector Mark Atienza Englatera.
Habang nagpapatuloy ang paghahanap sa dalawa pang tumakas na preso at large pa rin hanggang sa ngayon.