-- Advertisements --

Patay ang Chief of Police ng San Miguel, Bulacan matapos maka-engkwentro ng mga ito ang umano’y mga armadong magnanakaw sa Barangay Buhol, San Ildefonso, Bulacan kagabi.

Nakilala ang nasawi na chief of police na si PLt. Col. Marlon Serna.

Batay sa report kasama si Serna na rumisponde sa nangyaring robbery incident para magsagawa ng hot pursuit operations.

Nang mamataan ng mga pulis ang dalawang suspek na nakasakay sa isang motorsiklo agad pinaputukan ang mga pulis kung saan tinamaan ang opisyal at sugatan naman ang isa pang pulis.

Si Serna ay graduate ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang hot pursuit operations laban sa mga suspek.