Sugatan ang pitong kapulisan matapos ang pagsabog ng stove sa loob ng police station ng San Simon, Pampanga.
Kabilang sa mga sugatan ang chief of police na si Police Major Leonardo Lacambra, Staff Sergeants Mary Jane Genobili at Jay-r Mabborang, mga non-uniformed personnel Rolalyn Pascua, Marvin Novesteras, Rowena Ignacio Celestial, at Euis Pauig.
Base sa imbestigasyon ay naghahanda ang mga kapulisan ng kanilang hapunan ng biglang sumabog ang butane gas cylinder ng kanilang portable stove dakong alas-5:30 ng hapon.
Nagtamo ng mga first-degree burn ang mga biktima at sila ay dinala sa pagamutan.
Nakalabas na ang tatlo sa mga sugatan habang ang apat kabilang si Lacambra ay nananatili sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.
Sinabi ni Pampanga police director Col. Jay Dimaandal na nagsasagawa na sila ng imbestigasyon at nakipag-ugnayan na sila sa Department of Trade and Industry (DTI) para magsagawa ng inspection sa butane na ibinebenta sa kanilang pamilihan.