-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Labis ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Sto Niño, South Cotabato sa lahat ng mga tumugon sa panawagan ng Bombo Radyo Koronadal at ng South Cotabato Provincial Hospital Blood Bank na mag-donate ng kanilang dugo sa isinasagawang Dugong Bombo 2020 sa municipal gym ng naturang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Sto Nino PNP chief of police Cpt. Sherwin Panaguiton, kasama niya ang kaniyang mga pulis sa pag-donate ng dugo upang maraming buhay ang maisasalba lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Dagdag ni Panaguiton na makailang beses na itong nag-donate ng dugo sa mga barangay bloodletting activities habang ikatlong beses naman sa Dugong Bombo.