-- Advertisements --

ROXAS CITY – Kinumpirma ng regional director ng Police Regional Office (PRO6) na posibleng ma-relieve ang isang chief of police sa lalawigan ng Capiz, sakaling mapatunayan ang “closeness” nito sa tumatakbong kandidato sa isang posisyon sa May 13, midterm elections.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Roxas kay Brig. Gen. John Bulalacao, sinabi nito na patuloy ang validation at imbestigasyon ng tanggapan sa impormasyong ipinaabot sa kanila may kinalaman sa chief of police na may malapit na relasyon sa isang kandidato.

Muling pinaalalahanan ng opisyal ang mga pulis na maging “apolitical” sa eleksyon at sundin ang mandato na siguraduhing magiging maayos, malinis at tahimik ang eleksyon.

Napag-alaman na nakatanggap ng impormasyon ang PRO6 mula sa isang concerned citizen na sobrang malapit ang hindi pinangalanang chief of police at tumatakbong kandidato sa isang posisyon.