-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 ang chief of staff ni US Vice President Mike Pence.

Ayon sa tagapagsalita ni Pence na si Devin O’ Malley, kasalukuyan ng naka-isolate si Marc Short.

Nagsasagawa na rin sila ng contact tracing para matukoy ang mga nakasalamuha nito.

Nilinaw naman nito na nagnegatibo sa COVID-19 si Pence at ang asawa nito.

Magugunitang maraming mga opisyal ng White House ang nagpositibo sa coronavirus kabilang na si US President Donald Trump.