-- Advertisements --

CEBU – Tinanggap ni Dr. Mary Jean Loreche, ang chief pathologist ng Department of Health sa Central Visayas (DOH 7), at ang consultant ng Cebu City Medical Center (CCMC), ang pagbubunyag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang SONA, na ang Heart Center, Lung Center, National Kidney and Transplant Institute, Children Hospital, kailangan hindi lang sa NCR, kundi kasama sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Bukod dito, ikinatuwa ni Dra. Loreche ang plano lalo na’t isang pangarap na magkaroon ng Center for Disease Control and Prevention ang bansa, at kinakailangang ihiwalay ito sa Department of health, tulad sa ibang bansa, dahil sila ay may iba’t ibang bagay na dapat gawin.

Kung titingnan, sa Region-7 ay sinimulan naang Regional Center for Disease Control and Prevention kaya naman natuwa at nagulat sila na ito rin ang gustong gawin ng ating bagong pangulo lalo na na ang pandemya ang naging dahilan kung bakit kailangang ihanda ang bansa sa larangan ng kalusugan, kung sakaling magkaroon ng mga pandemya tulad ng Covid-19.

Samantala, lubos ang pasasalamat ni Cebu City Mayor Mike Rama sa magandang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang SONA dahil sa maraming bagay na dapat asahan lalo na kung hindi nito pababayaan ng mga tao.

Sinabi ni Rama, na isa sa mga gusto niya sa pangulo ay ihayag na hindi siya magbibigay ng kahit na anong maliit na halaga sa teritoryo ng bansa, at pag-usapan ang mga bagay na dapat pag-usapan, dahil kung may pag-uusapan , magkakaroon ng mabuting solusyon sa anumang problema, na may kasamang panalangin.