-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Darating ngayong araw July 19 si PNP Chief PGEN, Guillermo Eleazar sa Cotabato City Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) upang bisitahin ang hukbong pulisya.

Layunin ni Eleazar na mas palakasin ang pwersa at patatagin pa ang ugnayan ng kapulisan para sa mas matiwasay na pamumuhay ng mga sibilyan sa buong kapuluan.

Sa impormasyon na ipinarating ng Cotabato City PNP na bibisitahin ni Eleazar ang City PNP Office alas-4:00 ng hapon, kung saan magiging bahagi ng gagawing programa ang iba’t-ibang Advocacy Support Groups at mga benepesyaryo ng Barangayanihan.

Todo paghahanda na ang PRO-BAR at Cotabato City PNP sa pagbisita ng pinakamataas na opisyal ng pambansang pulisya.