Hindi pa man umiinit sa kaniyang upuan ang itinalagang chief of police ng Caloocan City ay sinibak na ito sa kanyang pwesto.
Ito ay kasunod sa pagkakapatay sa 19-anyos na binata na dating estudyante ng UP na umanoy nang holdap ng taxi driver.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Oscar Albayalde, kanyang itinalaga bilang bagong chief of police ng Caloocan si Senior Supt. Jemar Modequillo at kaniyang pinalitan si Senior Supt. Illustre Mendoza.
Si Modequillo ang dating hepe ng Paranaque PNP at ang nag-assume sa pwesto nito ay si Senior Supt.Victor Rosete.
Nanindigan naman ang PNP na nanlaban ang binata kung kayat napatay ito ng mga rumispondeng pulis.
Umapela naman si PNP chief Police Director Gen. Ronald dela Rosa na huwag kaagad husgahan ng publiko ang mga nasabing pulis dahil magkaiba ang kaso ni Kian delos Santos kay Carl Angelo Arnaiz.
Ang binatang Arnaiz ang itinuturong nang holdap sa isang taxi driver na siya namang kinumpirma ng biktimang driver.