Ni-relieved na sa pwesto epektibo ngayong araw ang chief of police ng Mabalacat PNP at hepe ng intelligence unit nito.
Ito ang kinumpirma ni PRO-3 director, CSupt. Aaron Aquino sa harap ng kinasasangkutang insidente umano ng tanim droga ng ilan nilang mga tauhan.
Kinilala ni Aquino ang sinibak na chief of police ng Mabalacat na si PSupt. Juritz Rara at ang intelligence chief nitong si Supt. Melvin Florida.
Una nang pinasibak ni Aquino ang chief of police ng Bacolor PNP dalawang araw na ang nakalilipas na si PCInsp. Sonia Alvarez at hepe ng Provincial Drug enforcement na si PCInsp. Philip Pineda.
Ang apat na opisyal ay isinailalim na sa provincial administrative holding center habang iniimbestigahan.
Kasong tanim droga ang kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan o umano’y pagtatanim ng iligal na droga sa ilang personalidad na kanilang inaresto.
Sa kaso ng Bacolor PNP mayroon silang mga ebidensiya, partikular na ng video na magpapatunay na nakikipag transakyon sa iligal na droga ang suspek amg city engineer ng Bacolor na si Atty. Wilgelmo Galura.
Tatlong iba pang mga naarestong suspek ang nagbigay din umano ng kanilang salaysay na nagsasabing galing kay Galura ang mga baril na nakuha sa mga ito, patunay na rito ang mga nakuhang deeds of sale.
Command responsibility ang pangunahing dahilan sa pagkakasibak sa pwesto sa apat na opisyal ng Mabalacat at Bacolor PNP.