Magsisilbing tagausig sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sina Chief Prosecutor Karim Khan at deputy prosecutor Mame Mandiaye Niang.
Ang prosecution team na pangungunahan ng dalawang batikang prosecutor ang haharap sa defense team ng dating pangulo kasabay ng inaasahang pag-usad sa pagdinig sa kaniyang kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Si Khan ang responsable para makakuha ng arrest warrant laban kina Duterte, Russian President Vladimir Putin, at Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu.
Ang tatlong mga lider ay pawang nahaharap sa crimes against humanity ngunit tanging si Duterte pa lamang ang naaaresto at nasa kostudiya nito.
Si Niang naman ay dating humahawak ng mga senior position sa judicial system ng Senegal.
Hawak nito ang malawak na karanasan sa ilalim ng sistema ng United Nations at humawak ng iba’t-ibang posisyon sa International Criminal Tribunal for Rwanda (ICTR), at Regional Representative of the United Nations Office on Drugs and Crime in Southern Africa.
Nagsilbi rin siya bilang Judge sa Appeals Chamber ng International Criminal Tribunal para sa bansang Yugoslavia at International Criminal Tribunal for Rwanda.
Una nang itinakda ng ICC ang confirmation hearing sa kaso ni Duterte sa Setyembre-23, 2025.