-- Advertisements --

Nadepensahan ng Kansas City Chiefs ang kanilang titulo laban sa San Francisco 49ers para makuha ang ikatlong NFL championship.

Umabot pa sa overtime ang laro para makuha ng Chiefs ang 25-22 na panlo laban sa 49ers sa laro na ginanap sa Las Vegas.

Ang Chiefs ang itinuturing na unang NFL back-to-back champion mula ng magkampeon ang England Patriots noong Pebrero 2005.

Sa unang bahagi ng laro ay hawak ng 49ers ang kalamangan hanggang hindi na ito pinabayaan ng Chiefs.

Naging bida sa panalo ng Chiefs ang kanilang quarterback star na si Patrick Mahomes na nakuha ang 3-yard touchdown.