-- Advertisements --

Todo suporta ang Supreme Court of Appeal ng Tanzania matapos nitong ilabas ang desisyon kung saan tuluyan nang ipagbabawal sa bansa ang pagpapakasal ng mga bata sa edad na 15-anyos.

Sa ruling na inilabas ng mataas na hukuman noong 2016, idineklara nitong “unconstitutional” ang ilang seksyon ng marriage act sa Tanzania.

Ipinag-utos din nito sa gobyerno na itaas ang legal age hanggang 18 years old upang payagan ito na maikasal.

Kasunod ng naturang hatol ay isang legal challenge ng children’s rights activists kung saan giit ng mga ito na dahil sa kasalukuyang batas ay mas maraming kabataan ang napipilitan na magpakasal ng maaga.

Umapela naman dito ang isang attorney general at sinabi na dahil umano sa child marriage ay maaaring maging daan upang protektahan na hindi mabuntis ang mga kabataan na hindi pa kasal.