-- Advertisements --
Inaprubahan ng health ministry ng Chile ang paggamit ng COVID-19 vaccine na Sinovac Biotech mula sa China para gamitin sa mga batang edad anim pataas.
Ito ay kasunod ng patuloy na pagpapataas ng nasabing bansa sa pagpapabakuna sa kanilang mamamayan.
Una nang inaprubahan din ng kanilang gobyerno ang paggamit ng Pfizer BioNTech vaccine sa mga batang may edad 12 pataas.
Ayon kay Chilean Health Minister Enrique Paris na isa itong magandang balita para mapabilis ang kanilang pagpapabakuna.
Sa kasalukuyan ay aabot na sa 13 milyon mga mamamayan ng Chile ang nabakunahan sa kabuuang 19 milyong populasyon ng kanilang bansa.