-- Advertisements --
Tuluyang sinibak ni Chile President Sebastian Piñera ang kaniyang buong gabinete par makabuo ng panibagong gobyerno at maipakilala ang pagbabago na hiling ng mga protesters.
Ayon sa pangulo na napakinggan niya ang mga hiling ng kaniyang gabinete at ito ay kaniyang gagawan ng paraan.
Tiniyak naman nito na malaki na ang pagbabago ng kanilang bansa.
Magugunitang ilang libo ang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa hindi gusto ang pamamalakad ng kanilang gobyerno.
Umabot naman sa 18 katao ang patay sa ilang linggong kilos protesta sa nasabing bansa.