-- Advertisements --
Pormal ng naghain ng kahilingan ang Chile sa International Court of Justice (ICJ) para panagutin ang Israel sa mga ginagawa nitong paglusob sa Gaza.
Kabilang ang Chile sa mga bansang nagsampa ng genocide laban sa Israel dahil sa dami ng mga sibilyang nasasawi.
Noong Disyembre kasi ay nanguna ang South Africa kung saan sumunod ang mga bansang Nicaragua, Colombia, Mexico, Libya, Palestine at Spain.
Hinihintay nila ang pag-apruba ng ICJ para makasali sa nasabing kaso.
Kinumpirma ng International court na natanggap nila ang mga applications at kanila na itong pinag-aaralan.