-- Advertisements --
Lockheed C 130 Hercules
C 130 Hercules

Pinangangambahang bumagsak ang isang eroplano ng Chilean Air Force na may lulan na 38 katao.

Ito ay matapos na hindi ma-kontak pa ang C-130 Hercules aircraft na patungo sana sa Antartica.

Sinabi ni General Francisco Torres ng Chillean Air Force, na malaki ang posibilidad na ito ay bumagsak dahil sa kawalan ng fuel nito.

Mula sa Santiago, Chile ang eroplano at ito ay bahagyang huminto sa Punta Arenas.

Huling nakita sa radar ang eroplano sa may 390 nautical miles mula sa Punta Arenas at 280 nautical miles mula sa Antartic base.

Mayroong 17 crew members at 21 ibang pasahero ang nasabing eroplano na patungo sana para magsagawa ng “logistical support” gaya ng pagsasaayos ng floating oil pipeline.

Tiniyak naman ni Chile President Sebastian Pinera na magsasagawa sila ng rescue operations sa nasabing insidente.