-- Advertisements --
Pinatawan ng 11-month doping ban ng International Tennis Federation si Chilean tennis star Nicolas Jarry.
Ito ay matapos na bumagsak siya sa isinagawang drug test sa Davis Cup Finals noong Nobyembre.
Maluwag naman na tinanggap ng 24-anyos na top 100 tennis player ang nasabing ban ng ITF.
Paliwanag naman ng ITF na nakakita sila ng dalawang pinagbabawal na substance sa urine sample ni Jarry na sinasabing galing ito sa vitamins na gawa sa Brazil.