-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nagkakaroon ng ibang paraan ang mga miyembro ng OPM band na MYMP upang may pagkakitaan sa panahon ng pandemic habang wala silang mga gigs at trabaho na pangunahin nilang source of income.

Ayon kay Paula Manuel, nag-order lang aniya siya ng milk tea online at kinagulat niyang ang founder at lead guitarist mismo ng MYMP na si Chin Alcantara ang nagde-deliver ng milk tea sa kanya kaya masaya din siyang nakipag-picture taking dito.

Milk tea business ang isa pang pinagkakaabalahan ni Chin ngayon na suportado ng mga ka banda kasabay ng mga virtual shows nila.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod sa MYMP, masaya silang makagawa pa rin ng paraan upang makatulong sa pamamagitan ng kanilang virtual shows at fund raising para sa mga kasamang nawalan ng trabaho sa industriya at mapasaya ang mga fans kung saan pati fun vlogging ay pinasok na rin ng banda.

“Nakita namin kasi sa Youtube kumikita din kami, para magkaroon din ng hindi lang puro tugtog. Magkaroon din ng kwento o iba’t ibang topic,” wika ni MYMP founder and lead guitarist Chin Alcantara.

“Nagba-vlog na din kami para sa mga fans ng MYMP na makita din nila yong ibang side namin,” pahayag naman ni MYMP vocalist Carmella Ravanilla.