-- Advertisements --

Isinama na rin ng gobyerno sa sasaklawin ng travel restrictions ang mga biyahero mula sa China at apat pa ibang bansa simula tanghali bukas, Enero bilang precautionary measure laban sa bagong variant ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, batay sa impormasyon mula sa Office of the Executive Secretary (OES), kasama rin sa sakop ng travel restrictions ang Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.

Ang mga Filipino citizens naman ay papayagang makapasok ng bansa pero sasailalim sa COVID-19 swab test at sa mandatory 14-day quarantine sa government facility.

Sa ngayon, kabuuang 33 na mga bansa at teritoryo na ang sakop ng travel restrictions na kinabibilangan ng United Kingdom, Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, US, Austria, Portugal, India, Finland, Norway, Jordan, Brazil, China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.