-- Advertisements --

Tinalakay ng opisyal ng bansa at China ang problema sa West Philippine Sea.

Sa ginanap na Bilateral Consultation Mechanism (BCM) on South China Sea, nagkaroon ng pag-uusap sina Foreign Affairs Acting Undersecretary for Bilateral Relations and Asean Affairs Elizabeth Buensuceso at Chinese Assistant Foreign Minister Wu Jianghao.

Natalakay sa virtual conference ang kahalagahan ng pag-uusap para maibsan ang tension sa bawat bansa.

Muling iginiit ni Buensuceso na dapat irespeto ng China ang international law kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea o Unclos.

Binubuo ang delegasyon ng Pilipinas ng mga opisyal mula sa National Security Council, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Environment and Natural Resources, Department of National Defense, Department of Justice at iba pa.