-- Advertisements --
Kapwa ipinakita nina Russian President Vladimir Putin at Chinese President Xi Jinping ang pagiging mahigpit na magkaalyadong bansa.
Nasa China kasi ang Russian President para ipakita sa China ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa.
Nagkasundo rin ang dalawa na palakasin ang sektor ng enerhiya, kalakalan, seguridad at geopolitics.
Plano din ng dalawang bansa na magsagawa ng regular na military at combat exercises bilang bahagi ng paghahanda sa anumang hamon at banta.
Kapwa din nila kinondina ang pagsasagawa ng US military exercises sa ilang mga bansa na siyang sumisira sa ilang relasyon ng mga bansa.
Ang pagbisita ni Putin sa China ay siyang kauna-unahan mula ng maupo ito sa puwesto sa ikalimang termino niya noong nakaraang linggo.