-- Advertisements --

Nagkasundo ang Saudi Arabia at China sa pagpapantay ng kanilang polisiya kabilang ang pagbibigay ng seguridad sa oil.

Isinagawa ang kasunduan sa personal na pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Saudi Arabia.

Kabilang din sa kasunduan na hindi nila pakikialaman ang anumang domestic problems na kinakaharap ng nasabing dalawang bansa.

Ilan sa mga nakapagkasunduan ay ang usapin ng seguridad, nuclear program ng Iran, crisis sa Yemen at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.