-- Advertisements --
image 328

Inanunsyo ng Defense Ministry ng China na magsasagawa ito ng joint military drill kasama ang Singapore.

Batay sa naging anunsyo ng Defense Ministry, posibleng anumang araw ngayong linggo ay isasagawa na ang nasabing drill ngunit sa kasalukuyan ay hindi pa tinutukoy ng lugar.

Sa nasabing drill, plano ng China na ideploy ang ipinagmamalaki nitong Yulin, isang missile-bearing frigate, kasama ang Chibi, isang missile-hunting ship, na posibleng magtatagal hanggang sa unang linggo ng Mayo.

Matatandaang dalawang taon na ang nakalilipas nang magsagawa ang China at Singapore ng combined military drills sa Internation Waters na bahagi ng West Philippine Sea.

Taong 2019 nang palawakin ng dalawang bansa ang pagkakaibigan sa pamamagitan ng bilateral defence pact na kanilang pinirmahan.

Bahagi ng nasabing agreement ay ang pagsasagawa ng dalawang bansa ng regular military exercises na kabibilangan ng kanilang Army, Navy at Air Force.