-- Advertisements --
Plano ngayon ng China na tanggalin sa puwesto at palitan si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam.
Kasunod ito sa kritisismong natatanggap ni Lam dahil sa patuloy na kilos protesta.
Bagamat suportado ng Chinese central government ang Hong Kong police at kinokondina sa mga nagaganap na kaguluhan ay may mga ilang mambabatas pa rin sa China ang nagbabalak na tangalin si Lam.
Nais nilang palitan siya ng isang interim chief executive.
Dumedependa lamang ito aniya sa sitwasyon kung bumalik na sa normal ang Hong Kong.
Ayaw naman ng patulan ni Lam ang lumabas na usapin dahil tuluyan ng naibasura ang kontrobersiyal na panukalang batas.