Binalaan ng China ang International Criminal Court (ICC) na iwasan ang politicization at double standards.
Ito ay matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte pagkadating pa lamang niya sa bansa nitong Martes galing ng Hong Kong, kung saan isinilbi ng mga pulis ang arrest warrant mula sa ICC.
Sa isang briefing, sinabi ni Chinese foreign ministry spokeswoman Mao Ning nang matanong kaugnay sa pag-aresto kay ex-PRRD, na masusi silang nakasubaybay sa development sa sitwasyon.
Hinimok din ng China ang ICC na pairalin ang awtoridad nito nang naayon sa batas.
Gayundin ang pagpapairal ng “principle of complementarity” na nagsasaad na maaari lamang kumilos ang ICC kung ang mga pambansang korte ay hindi magagawa o hindi gustong mag-prosecute ng mga krimen.
Kung babalikan, sa panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, isinulong niya ang pakikipagkaibigan sa China sa pamamagitan ng mas malapit na relasyon at kooperasyon ng Pilipinas at China sa iba’t ibang mga isyu.