-- Advertisements --
Binalaan ng China ang United Kingdom (UK) na huwag makialam sa pagpapatupad nila ng bagong national security law sa Hong Kong.
Ayon kay Chinese Ambassador Liu Xiaoming, na malinaw na pangingialam ang alok ng UK ng citizenship sa tatlong milyong Hong Kongers dahil sa negatibong dulot ng bagong security law.
Nauna ng kinontra ng mga kritiko ang nasabing bagong batas dahil nasusupil ang kanilang kalayaan bilang semi-autonomous region.
Magugunitang sinabi rin ng tagapagsalita ni UK Prime Minister Boris Johnson na huwag dapat makialam rin ang China kung sakaling piliin ng mga Hong Kongers na maging citizen ng UK.