-- Advertisements --
Binalaan ng China ang United Kingdom na huwag makialam sa nangyayaring kaguluhan sa Hong Kong.
Kasunod ito ng pahayag ni UK Foreign Secretary Jeremy Hunt na may mga opisyal ng Hong Kong ang sumusuporta sa mga nagsasagawa ng kilos protesta.
Dahil dito ay nais ng Foreign Office ng Hong Kong na ipatawag ang UK ambassador to Hong Kong.
Sumagot naman si Hunt na pinapanatili nila ang magandang relasyon ng UK at China at wala silang anumang balak na manghimasok sa kaguluhang nagaganap sa Hong Kong.
Mula noong 1997 ay pinapatakbo ng China ang Hong Kong sa ilalim ng “one Country, two systems” arrangement.
Magugunitang sa pinakahuling kilos protesta ay nilusob ng mga rallyesta ang parliament building kung saan sinira pa nila ang mga gamit sa loob.