-- Advertisements --
May paraan umanong gagawin ang China sa balak na pag-boycott ng US sa 2022 Beijing Winter Olympics.
Sinabi ni Zhao Lijian, ang tagapagsalita ng foreign ministry ng China, dapat daw itigil na ng US ang pagpapalutang na kanilang iboboykot ang paparating na 2022 Winter Olympics sa China.
Hindi naman binanggit nito ang kaparaanan na gagawin ng China kapag itinuloy ng US ang banta nito na pag-boycott.
Magugunitang isa sa naging dahilan ni US President Joe Biden kaya nais nila ang pag-boycott ng Winter Olympics ay dahil sa nagaganap na paglabag sa human rights gaya ng genocide sa mga minority Muslims.
.