-- Advertisements --
Mike Pompeo
US Secretary State Mike Pompeo/ IG post

Tinawag na hibang ng China si US Secretary of State Mike Pompeo sa pagbibintang nito na galing umano sa laboratory ang coronavirus.

Sa mga state papers ng China, binanatan ng ilang opisyal ng China ang US at sinabing parang ligaw na bala ang US at nagpapakalat ng political virus.

Maging si White House strategist Steve Bannon ay tinawag ng China na isang payaso.

Nauna rito, ipinaggiitan ni US President Donald Trump na gawa ng China ang coronavirus at may mabigat na ebidensiya sila.

Sa naging panayam ng mga mamamahayag kay Trump, muling giniit nito na may mabigat silang ebidensiya na sinadya ng China ang pagpakalat ng nasabing virus.

Hindi rin nito pinalagpas ang World Health Organization dahil tila pinoprotektahan nito ang China kahit malaking pondo ang ibinibigay ng US sa WHO.