-- Advertisements --
MIKE PENCE POMPEE

Bumuwelta ang China sa naging banat ni US Vice President Mike Pence tungkol sa karapatan at kalayaan sa nagaganap na kilos protesta sa Hong Kong.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokeswoman Hua Chunying, na dapat resolbahin na lamang ng US ang mga problema nito sa bansa.

May karapatan ang China na ipagtanggol ang kaniyang soberanya, seguridad at hindi papayagan ang sinuman na manghimasok sa problema nila ng Hong Kong.

Tinawag pa nito ang US Vice President na gumagawa lamang sila ng tsismis.

Dahil aniya sa pangingialam ni Pence ay tila masisir na ang gumagandang pakikitungo ni US President Donald Trump kay Chinese President Xi Jinping.

Magugunitang sa kaniyang policy speech sa China ay binanatan ni Pence ang pangingialam ng China sa pahayag ng NBA team na Houston Rockets na pumanig sa mga Hong Kong protesters.