-- Advertisements --

Pumanaw na ang China-born actress na si Cheng Pei-pei sa edad na 78.

Ayon sa kampo nito na sa bahay nito sa San Francisco nalagutan ang nasabing actress.

Dagdag pa ng pamilya nito na mula pa noong 2019 ay dumaranas na ito ng neurodegenerative brain disease o kahalintulad ng Parkinsons na siyang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Nakilala ang actress sa pagiging bida ng Oscar-wining film na Crouching Tiger, Hidden Dragon sa nasabing pelikula ay naging kalaban siya kung saan mayroong 10 nominasyon ito sa Oscars at nagwagi ito bilang best foreign film.

Unag pelikula na kaniyang pinagbidahan ay ang “Come Drink with Me” noong 1966 na umani ng pagkilala sa kaniya sa buong mundo.

Isinilang sa Shanghai noong 1946 bago lumipat sa Hong Kong noong 1962 at kalaunan ay sa US.