Iginiit ng China Coast Guard (CCG) na gumawa lamang ito ng kaukulang kontrol laban sa mga barko ng Pilipinas na iligal umanong pumasok sa kanilang inaangking karagatan.
Ginawa ng China ang naturang pahayag matapos na akusahan ng Philippine Coast Guard ang CCG ng pambobomba ng tubig o water cannon sa mga barko nito habang nagsasagawa ng resupply mission sa BRP Sierra Madre na naka-istasyon sa Ayungin shoal.
Sa panig ng China, sinabi ni China Coast Guard (CCG) spokesperson Gan Yu na dalawang repair ships at 2 coast guard ships ng Pilipinas ang iligal umanong pumasok sa kanilang karagatan partikular sa Nansha island at idinagdag pa na kanila lamang umanong pinigilan ang mga barko ng Pilipinas na may dala umanong illegal building materials alinsunod sa batas.
Ang Ayungin Shoal ay bahagi ng is Kalayaan Island Group, na isang mahalagang parte ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas kung saan mayroong soberaniya at hurisdiksiyon ang Pilipinas.