Nanawagan ngayon ang Estados Unidos sa China na tigilan na ang “bullying behavior” nito sa South China Sea.
Ayon sa US State Department, nababahala raw sila sa mga ulat tungkol sa mga “provocative actions” na nakatuon sa offshore oil and gas developments sa pinagtatalunang mga lugar sa naturang karagatan.
“The United States is concerned by reports of China’s repeated provocative actions aimed at the offshore oil and gas development of other claimant states,” saad sa pahayag.
“In this instance, (China) should cease its bullying behaviour and refrain from engaging in this type of provocative and destabilizing activity,” dagdag nito.
Una rito, lumabas ang ulat na isang Chinese government survey ship ay sinusundan umano ang isang exploration vessel na ino-operate ng state oil company ng Malaysia na Petronas sa nabanggit na katubigan.
Nang nasa bahagi naman ng Vietnam ang survey ship na Haiyang Dizhi 8, sinabi ng isang Chinese foreign ministry spokesman na nagsasagawa ng normal na aktibidad ang vessel sa lugar.
Inakusahan din nito ang mga opisyal ng Estados Unidos na sinisiraan ang Beijing. (Reuters)