-- Advertisements --

Nanindigan ang China na hindi sila magdedeklara ng giyera dahil sa nais nilang maresolba ang gusot sa kapwa nila claimants sa South China Sea.

Sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua, hindi raw kailanman magiging hangarin ng Beijing ang pananakop kahit na lumakas pa ang kanilang bansa.

“China adopts a military strategy of active defense which adheres to the principle of defense, self-defense and post-strike response. Meaning we will not take the first shot,” wika ni Zhao.

Pinapalakas din aniya nila ang kanilang tanggulang pambansa upang mapangalagaan ang kanilang bansa at makaambag sa kapayapaan sa buong mundo.

Ayon pa sa Chinese envoy, bagama’t batid nila ang pagkabahala ng ilang bansa ukol sa freedom of navigation at overflight, maaari umanong magdusa ang China sakaling sila’y harangin o guluhin.

Katwiran ni Zhao, sa South China Sea raw kasi dumadaan ang 75% ng pagkaing mula at nanggaling sa China.

“China will follow the path of peaceful development. This is a commitment to the people of China and to the world, and this has been written into the Constitution of China,” ani Zhao.

Umapela rin si Zhao sa mga claimant countries na maging matiyaga dahil hindi naman daw kaagad mareresolba ang isyu.

“Despite the differences we have, we are ready to discuss with claimants over the differences we have. We always believe by law is much better than confrontation,” anang ambassador.

“And we all know these are very sensitive issues. For China, for the Philippines and for other claimant countries, it’s not easy to settle. It cannot be settled overnight. So we should be patient.”

Nitong Hunyo nang banggain ng isang Chinese vessel ang bangkang pangisda ng mga Pilipino at inaakusahang inabandona ng kanilang crew ang 22 mangingisdang Pilipino sa gitna ng dagat.