-- Advertisements --
Dinagdagan ng China partikular na sa Wuhan City ang bilang ng namatay dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa mga opisyal ng Wuhan City, aabot na sa 1,290 ang nasawi ang idinagdag o 50% na pagtaas.
Ang nasabing bilang ay mula sa mga namatay sa labas ng mga pagamutan.
Paliwanag pa nila na ang panibagong bilang ay resulta ng bagong datus na kanilang natanggap mula sa iba’t-ibang sources kabilang na ang mga galing sa punerarya at sa mga prison facilities.
Ipinaggiitan pa rin ng China hindi nila pinagtatakpan ang tunay na bilang.
Nagpatupad aniya ang Wuhan ng mahigpit na lockdown ng ilang buwan.
Aabot naman sa mahigit 4,600 ang nasawi sa China habang nasa halos 84,000 ang bilang ng mga nadapuan ng virus.